Nilagdaan noong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ni United States President Barack Obama ang batas na naggagawad sa mga Pilipino na beterano ng World War II ng pinakamataas na civilian award na ipinagkakaloob ng gobyerno ng US.

Ang Congressional Gold Medal ay iginagawad sa mga indibiduwal o grupo “who have performed an achievement that has an impact on American history and culture that is likely to be recognized as a major achievement in the recipient’s field long after the achievement.”

Kinikilalala ng “Filipino Veterans of WWII Congressional Gold Medal Act of 2015” ang mahigit 200,000 sundalong Pilipino at Filipino-American na nakipaglaban sa ilalim ng bandila ng Amerika laban sa Imperial Forces ng Japan noong World War II. Ang medalya, ang gastos dito ay babalikatin ng US Mint Public Enterprise Fund, ay nagkakahalaga ng $30,000 (halos P1.4 milyon) at ibibigay sa Smithsonian Institution para i-display. (Roy C. Mabasa)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'