MAS paiigtingin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang grassroots sports Programa, kabilang ang Philippine National Games (PNG) sa layong mapalakas ang ‘national pool’ ng mga atleta para maihanda sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa 2019.
Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na sa unang pagkakataon ay kakatawanin ng mga elite athlete at national pool member ang kanilang mga lalawigan para pasiglahin ang ‘regionalism’ sa sports.
“All national athletes will be playing for their towns and provinces in the next PNG,” paliwanag ni Ramirez, patungkol sa torneo na isa sa mga pagbabatayan para sa mga atletang nagnanais na mapabilang sa pambansang delegasyon na sasabak sa 2017 Southeast Asian games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“This will be the time also when we will try to unify all those national sports associations that had internal issues,” sabi pa ni Ramirez. “Let me clear it first, na we are not meddling or intervening but we are after the welfare of the athletes because our lawmakers and even our president has issued that no unity, no funding,”aniya.
Ang madidiskubreng talento ay isasailalim din sa iba’t-ibang uri ng mga pagsasanay tulad sa strength and conditioning at physical fitness test bago iendorso sa mga responsableng national sports associations (NSA’s).
“We already started with those that won gold, silver and bronze medals in the recent Batang Pinoy in Tagum,” pahayag ni Ramirez. “Our team conducted some test to the kids on their potentials and improvement with regards to their ability, talent and physique.”
na isagawa ang PNG sa buwan ng Mayo, 2017. (Angie Oredo)