LAS VEGAS – Nabigyan ng isa pang pagkakataon si Holly Holm na makasikwat ng isa pang titulo sa pakikipagtuos kay Germaine de Randamie sa inaugural female featherweight championship ng UFC 208 sa Pebrero 11 sa Brooklyn.

Sa pahayag ni Thomas Gerbasi sa UFC.com, kapw pumayag ang dalawang fighter na magtuos sa 145-pound division sa laban na gaganapin sa Barclays Center sa Brooklyn.

Target ni Holm, dating UFC bantamweight champion, na maging ikaapat na fighter sa kasaysayan ng UFC history na magwagi ng multiple weight class na nagawa nina Conor McGregor, BJ Penn at Randy Couture.

Ngunit, matapos ang sopresang panalo kay UFC star Ronda Rousey sa 135-pound belt noong November 2015, nagtamo si Holm nang magkakasunod na kabiguan kontra kina Miesha Tate at Valentina Shevchenko para sa 10-2 record.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni De Randamie, dating professional kickboxer mula sa Netherlands, ang 6-3 karta, tampok ang tatlong TKO.