Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Eastern Samar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong 5:39 ng umaga nang maramdaman ang sentro ng pagyanig sa layong 19 na kilometro sa hilagang bahagi ng San Policarpio, Eastern Samar.

Naitala rin ang Intensity 4 sa San Policarpio, Intensity 3 sa Oras, Intensity 2 sa Borongan at Catbalogan, at Intensity 1 sa Palo, Leyte. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito