Disyembre 14, 1900 nang ilathala ang quantum theory ng modern physics, ang unang pag-aaral kaugnay sa epekto ng radiation ng “blackbody” substance, na binuo ng German physicist na si Max Planck.

Sa nasabing teorya, ipinakita ni Planck, sa pamamagitan ng mga physical experiment, na sa isang sitwasyon, may kakayahan ang enerhiya na magpakita ng katangian ng isang bagay. Tanging enerhiya lamang ang nagtutuluy-tuloy, ayon sa classical physics.

Samantala, ang radiant energy ay binubuo ng particle-like components, mas kilala sa tawag na “quantum”, ayon kay Planck.

Nakatulong ang quantum theory sa pagresolba sa hindi maipaliwanag na natural phenomena. Dahil dito, tinanggap ni Planck ang Nobel Prize in physics noong 1918.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?