MAS nakatuon ang pansin ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga Pilipinong lumaki at nasanay sa bansa kesya sa mga nalahian at naninirahan sa abroad.

Ito ang bahagi nang pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Shakey’s, Malate.

“I am not against the Fil-foreigner talents, pero dapat sana ay icing on the cake na sila sa ating mga kampanya,” sabi ni Ramirez.

“What he have to do is to take care our home grown talent because our focus are more on grassroots development,community enhancement and human development,” pahayag ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Saka mas masarap damhin ang panalo. There’s a lot of pride and nationalism kung nakikita natin na purong Pinoy ang nag-uuwi ng mga gintong medalya,” sabi pa ni Ramirez.

Naging kaugalian na nang mga national sports association (NSA) ang kumuha ng Fil-foreign athletes para maging miyembro ng National Team. Sa kasalukuyan, ilan lamang sa mga ito ang nakapaguuwi ng medalya para sa bansa.

Nakatakda ring linisin ng ahensiya, ayon kay Ramirez, ang hindi produktibong mga coaches sa iba’t-ibang national sports association sa nakalipas na panahon.

“Mawawala na ang mga hindi productive na coach because the agency will invest more in the Filipino coaches as well as Filipino elite athletes and the young and promising talents,”sabi pa ni Ramirez.

Ipinahayag ni Ramirez na napagdesisyunan din ng PSC Board na itaas ang buwanang allowances ng mga atleta at coaches pati na rin ang matatanggap nitong suporta sa paglahok sa mga torneo sa abroad. (Angie Oredo)