Inaasahang magiging top draft pick ang nakaraang UAAP Season 79 men’s basketball Finals MVP na si Jeron Teng sa darating na 2016 PBA D- League Draft na gaganapin sa Disyembre 20 sa PBA Cafe sa Pasig City.

Sinabi ni Ama Online Education coach na si Mark Herrera na bilang may- ari ng first pick, una nilang pililiin ay ang dating De La Salle skipper mula sa hanay ng kabuuang 128-man pool.

“We’re sure that Jeron Teng be our first pick,” pahayag ni Herrera.

Pinangunahan ni Teng ang Green Archers sa nakaraang UAAP Season 79 kontra sa mahigpit na karibal na Ateneo.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Kung mapupunta si Teng sa Titans, inaasahang makakatuwang siya ng double-double machine ng koponan na si Jay-R Taganas upang pangunahan ang kanilang kampanya.

Ang Tanduay, nagtapos na Foundation Cup bridesmaid, ang may-ari ng second pick kasunod ang Racal bilang pangatlo, pang- apat ang Aspirants’ Cup runner-up Cafe France at panglima ang Wangs Basketball.

Dadaan naman sa bunutan o lottery ang mga baguhang Cignal, Jose Rizal University, Manuel L. Quezon University, at Province of Batangas sa mismong draft day para malaman ang kanilang placing sa draft order.

Bilang guest team, ang Blustar Malaysia at hindi puwedeng makapili sa draft kung saan pagpipilian ang 113 local players at 15 Fil-foreigner.

Samantala, idaraos ang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup simula sa Enero 15. (Marivic Awitan)