IPINAGDIRIWANG ngayon ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Our Lady of Guadalupe. Sinasabing nagpakita ang Pinagpalang Birheng Maria sa isang Indian convert na si Juan Diego noong Disyembre 9, 1531. Nag-iwan ang Pinagpalang Birhen ng kamangha-manghang imahen ng kanyang sarili sa mantel ni Juan Diego, nang ipakita ng huli sa obispo ang mga rosas bilang patunay ng milagrosong aparisyon ni Maria. Napatunayang hindi nagbabago ang kalidad ng imaheng ito, at iniingatan sa isang dambana na ipinagawa bilang pagpupugay sa kanya, na tinatawag ngayong Basilica of Our Lady of Guadalupe. Noong 1910, ang Our Lady of Guadalupe ay idineklarang Patroness of Latin America, at noong 1945, idineklara ni Pope Pius XII ang santo bilang Emperatris ng buong America.

Sa isa sa kanyang mga pakikipag-usap sa ngayon ay tinatawag nang San Juan Diego, sinabi umano ng Mahal na Birhen: “Pakinggan mo ako at unawaing mabuti, aking anak. Wala kang dapat na ikatakot o ikalumbay. Alisin mo ang pangamba sa iyong puso. Huwag kang matakot sa pagkakasakit o sa anumang pagdurusa. Hindi ba’t narito ako, ang iyong Ina? Hindi ba’t ako ang nagbibigay ng proteksiyon sa ‘yo? Hindi ba’t ako ang iyong kalusugan? Hindi ba’t maligaya ka sa aking piling at aruga? Ano pa ang iyong hinihiling? Huwag kang malumbay o maligalig sa kahit na ano.” Ang mga salitang ito ay pagbibigay ng katiyakan sa wagas na pagmamahal ni Maria bilang ina sa kanyang mga anak.

Sa unang bahagi ng taong ito, bumisita si Pope Francis sa Basilica of Our Lady of Guadalupe sa Mexico at pinangunahan niya ang isang Misa at pagkatapos ay gumugol siya ng panahon para sa pansariling katahimikan, sa harap ng imahen ng Mahal na Ina. Sa kanyang sermon, tinukoy ng Santo Papa ang kaligayahan ng pagkakaroon ng ina sa pamamagitan ng Pinagpalang Birheng Maria na lagi nating malalapitan sa panahon ng ligalig. Gayunman, hindi dapat na tanggapin lamang natin ang pagmamahal ni Maria. Marapat nating ibahagi ang pagmamahal at proteksiyong ito. Sinabi ng Santo Papa:

“Today, she sends us out a new; today, she comes to tell us again: be my ambassador, the one I send to build many new shrines, accompany many lives, wipe away many tears. Simply be my ambassador by walking along the paths of your neighborhood, of your community, of your parish. We can build shrines by sharing the joy of knowing that we are not alone, that Mary accompanies us. Be my ambassador, she says to us , giving food to the hungry, drink to those who thirst, a refuge to those in need, clothe the naked and visit the sick. Come to the aid of your neighbor, forgive whoever has offended you, console the grieving, be patient with others, and above all beseech and pray to God.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pagdiriwang natin ng Kapistahan ng Our Lady of Guadalupe, magpasalamat tayo sa Diyos sa pagkakaloob sa atin ng napakagandang handog sa pamamagitan ng Pinagpalang Birheng Maria. Ang ating pasasalamat ay dapat din na maipakita sa pamamagitan ng pagiging tagapaghatid ng proteksiyon at pagmamahal ng Diyos gaya ng Pinagpalang Ina. Nawa’y lagi rin tayong handang maglingkod sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan ng ating gabay at malasakit.