IPINAGDIRIWANG ang Human Rights Day tuwing Disyembre 10 taun-taon. Ginugunita nito ang araw noong 1948 nang tanggapin ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights. Noong 1950, ipinasa ng assembly ang resolution 423 (V) na humihimok sa lahat ng estado at mga interasadong organisasyon upang gunitain ang Human Rights Day tuwing Disyembre 10.
Ngayon, sa ika-68 taon nito, nananatiling makabuluhan ang Deklarasyon. Inihayag ng United Nation na nagpapatuloy ang malawakang kawalan ng respeto sa mga pangunahing karapatang pantao sa iba’t ibang sulok ng mundo. Isinasailalim ng mga extremist movement ang mga tao sa kasuklam-suklam na karahasan. Patuloy na lumalaganap ang pagbura sa diwa ng pagbibigayan at galit na kinakatakutan ng publiko.
Ang Human Rights Day campaign ngayon na “Stand Up For Someone’s Right’s Today!” ay ibinatay sa deklarasyon na pangunahing panukala na ang bawat tao saan mang panig ng mundo at sa lahat ng pagkakataon ay may karapatang pantao, at tungkulin ng bawat tao na ipaglaban ito.
Nagkakaloob ng ilang pamamaraan ang website ng UN Human Rights Day kung paano ipaglalaban ng isang tao ang kanyang karapatan at ang karapatan ng iba, kabilang ang pagkakaroon ng kaaalaman at pagbibigay imporamsyon sa iba kung bakit mahalaga ang karapatan ng tao, pagsasalita kapag inaatake o nanganganib ang karapatan ng isang tao, paninidigan sa karapatang pantao ng iba, at pananawagan sa mga lider para pagtibayin ang karapatang pantao. Hinihimok ang lahat na magsagawa ng pagkilos, labanan ang mga kathang-isip lamang ng mga tamang impormasyon, pagsasalita laban sa paninira at diskriminasyon, pagtatanggol ng mga karapatan ng mga refugee o migrant, mga taong may kapansanan, mga taong bahagi ng LGBT, bata, mga katutubo, minoridad na grupo, o kahit sinong nanganganib sa diskriminasyon o karahasan. Kailangan ding ikonsidera ng mga mamimili ang human rights track records ng mga kumpanya bago tangkilikin ang kanilang mga produkto o serbisyo. Maganda rin kung tatalakayin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tungkol sa karapatang pantao at magbigay halimbawa ng mga positibong modelo ukol dito.
Binibigyang-diin sa human rights day campaign ngayong taon ang pangangailangan na mapagtibay muli ang sangkatauhan. Nasaan man tayo – sa kalye, paaralan, trabaho, public transport, voting booth, social media, event, o nasa tahanan – makakapag-ambag tayo para sa pagbabago. Maaari tayong manindigan para sa sangkatauhan.
Sa huli, nagsisimula ang paggalang sa mga karapatang pantao sa ating sarili at sa ating tahanan. Ang itinuro ng yumaong dating US First Lady Eleanor Roosevelt na, “Where after all, do universal human rights begins? In small places, close to home -- so close and so small that they cannot seen on many maps of the world… Unless these right have meaning there, they have little meaning anywhere. Without concereted citizen action to uphold them c.ose to home, we shall look in vain for progress in the larger world.”