LOS ANGELES – Kumana ng anim na puntos si Pinoy cage phenom Kobe Paras – pinakamaraming iskor sa kanyang career sa NCAA Division 1 – para tulungan ang Creighton sa paggapi sa Longwood University, 113-58 nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Nanguna sa koponan sina Khyri Thomas at Marcus Foster sa natipang tig-16 puntos para sa ika-10 sunod na panalo ng Creighton.
Bukod kay Paras, lahat ng 13 player ng koponan ay nagawang makaiskor sa dominanteng panalo na nagbigay katatagan sa kampanya ng Bluejays sa prestihiyosong collegiate league sa US.
Lumaro si Paras sa kabuuang 12 minuto at nakahugot din ng dalawang rebound at isang steal.
Nanguna sa Longwood sina Maurice Watson na may 10 puntos at Justin Patton na may anim na marka.
Sunod na lalabanan ng Creighton lang Oral Roberts.