Maaaring galing sila sa mahigpit na magkaribal na eskuwelhan sa UAAP, ngunit para kina De La Salle table tennis star Ian Lariba at Ateneo’s swimming phenom Jessie Khing Lacuna, isinasantabi nila ang nasabing rivalry at kapit-bisig na nagsasanib puwersa sa paglaban para sa bansa sa mga international competitions.

“There’s no such thing as rivalry when it comes to being ONE for the country. Good to see you as well “Khing” of UAAP swimming, @jessielacuna00 :) Thank you to UAAP for this recognition. We greatly appreciate it!#AteneanLasallianOlympians, ”pahayag ni Lariba sa kanyang post sa Instagram.

Ang dalawang Olympian ay kabilang sa mga UAAP student-athletes na binigyan ng kakukulang pagkilala ng liga sa kanilang ginawang partisipasyon sa international competitions ngayong taon noong Miyerkules ng hapon sa simpleng awards rites sa Smart Araneta Coliseum bago magsimula ang Game Two ng UAAP men’s basketball finals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsilbing flag bearer sa nakaraang Rio Olympics noong Agosto, si Lariba ay lumahok din sa 18th ASEAN University Games sa Singapore kung saan siya nagwagi ng silver medal sa women’s singles event, at bronze medal sa women’s doubles at women’s team category.

Ang Rio Olympics ang ikalawang pagkakataon ni Lacuna na gaya ni Larriba ay tinanghal na UAAP Season 78 co-Athlete of the Year kasama nina Ateneo volleybelle Alyssa Valdez at Adamson softball standout Queeny Sabobo.

Ang iba pang mga UAAP athletes na binigyang parangal ay ang mga lumahok sa ASEAN University Games kung saan nag-uwi ang bansa ng tatlong gintong medalya.

Kabilang sa kanila ang National University women’s basketball team, ang three-time UAAP women’s basketball titlist,na nagwgai ng silver medal, at ang popular na Ateneo’s women’s at men’s volleyball teams na nagsipagwagi ng bronze medal. (Marivic Awitan)