Tatangkain ni Philippine welterweight champion Dennis Padua na matamo ang bakanteng OPBF 147-pound title sa pagharap kay Aussie titlist Ben Savva sa Biyernes sa Cammeray, New South Wales sa Australia.

Malaking pagkakataon ito kay Padua na may masamang boxing record pero nakuha ang bakanteng RP welterweight title nang talunin sa 7th round TKO ang mas may matikas na kartadang si Stephen Gelawa noong Pebrero 20, 2016.

Galing sa siyam na sunod na pagkatalo ang tubong Nueva Ecija na si Padua bago na-upset si Gelawa pero dahil siya ang kampeon ng Pilipinas kaya pinili para sumagupa kay Savva na hawak din ang New South Wales welterweight title.

May rekord ang bagitong si Savva na 4-1-0,samantalang ang beteranong si Padua ay may kartadang 10-11-2, tampokg ang limang knockout. (Gilbert Espeña)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA