SINGAPORE – Mas maaksiyon at kapapanabikan ang inihandang fight card ng ONE Championship para sa taong 2017.
Matapos ang matagumpay na promosyon sa Cotai Arena sa Macau at ilang lungsod sa China, gayundin ang pagsasagawa ng live event sa Bangkok, Thailand, mas pinalawak ng ONE ang isasagawang torneo sa rehiyon.
“2016 has been a phenomenal year for ONE Championship. It was absolutely historic for the promotion and 2017 promises to be even better,” pahayag ni Victor cui, Chief Executive Officer ng ONE.
“With the addition of key senior leaders to aid ONE with our growth plans, the promotion is in an unbelievable position to make some major waves in the global MMA industry. Together we aim to deliver fans a continuously unique experience that they will never forget.
“ONE Championship is coming out in full force to hold electric live events all over mainland China, with plans to break into new and exciting markets in Vietnam, South Korea and Japan. I know fans can’t wait for ONE to come to town. Get ready for one of the biggest years in MMA,” aniya.
Naging matagumpay ang taong 2016 para sa ONE, higit sa takilya sa bawat lungsod na ganapan ng aksiyon. Bunsod nito, mas dumami ang mga tagatangkilik at sponsor na naging dahilan para mas tumibay ang mixed martial arts sa Asya.
May kabuuang 118 bansa ang tumatangkilik maging sa pay-per-view ng ONE. At sa darating na bagong taon, asahan ang higit na kapana-panabik na promosyon.
Ipinahayag ni Cui na magsasagawa ng mas maraming live show sa Jakarta, Kuala Lumpur, Singapore, Manila, at Yangon.
Nakalinya rin ang aksiyon sa Cotai Arena sa Macau, Bangkok at China, gayundion ang bagong distinasyon na Vietnam at Japan.