Dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga ang napatay ng mga pulis sa isinagawang Oplan Galugad sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ikinasa ang nasabing operasyon, sa pangunguna ng Manila Police District (MPD)-Station 2 (Nolasco), sa IBP Road, Pier 2, North Harbor, Tondo nang matiyempuhan ang mga suspek na may kahina-hinalang kilos, dakong 11:35 ng gabi.

Sila ay sinita ni PO1 Eugene Langcay at tinangkang lapitan nang bigla umanong bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil sa panganib na naramdaman, napilitang magpaputok ang mga awtoridad na naging sanhi ng pagkamatay ng mga suspek.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawan lamang na kapwa nasa edad 35-40, 5’3” ang taas.

Nakakuha umano ang mga awtoridad ng shabu sa bulsa ng mga suspek. (Mary Ann Santiago)