Nagbalik aksiyon si Jenz Vincent Tecson at muling nasungkit ang korona sa PAL Mabuhay Miles Elite Invitational Golf Tournament kamakailan sa Manila Southwoods Golf & Country Club.
Nakamit ni Tecson ang Overall Low Gross Championship trophy (gross 75, net 70), para masungkit ang unang back-to-back title sa torneo.
Nagwagi rin si Tecson, Premier Elite member, sa Men’s Class A champion sa nakalipas na taon.
May kabuuang 257 Elite, Premium Elite at Million Miler member ng PAL ang nakiisa sa Mabuhay Miles.
Naiuwi naman ni Bernabe Punsalan ang Low Net trophy, habang nagwagi si Christine Marie Valdehueza Naidoo sa Ladies division at kampeon si Tranquilino Magpantay sa seniors class.
Ang iba pang division champion ay sina Class A – Louis Bartolome Borja; Class B – Joseph Owen Fulo; Class C – Elson Jose Dagondon; at Class D – Emeterio Dikitanan.
Pinangunahan nina PAL president Jaime J. Bautista at PAL Express chief Bonifacio Sam ang ceremonial drive.
Kabilang sa tumulong sa tagumpay ng torneo ang Master Card Philippines, Airbus, Omnipay, Unionpay, Petron, Philippine National Bank, myPAL Roam, Power Mac Center at Marianas Visitors Authority.
Sa nakalipas na 25 taon, nananatili ang Mabuhay Miles na pinakamatatag at pinakamalaking airline company sa bansa.