kanye-copy-copy

NAKALABAS na sa ospital si Kanye West nitong Miyerkules, pagkaraan ng mahigit isang linggo simula nang ma-confine dahil sa labis na pagkahapo, ayon sa mga media outlet na hindi tinukoy ang source.

Iniulat ng CNN at Los Angeles Times na umalis na si West sa UCLA Medical Center. Nag-quote naman ang People magazine ng hindi pinangalanang source na nagsabing si West ay “home, getting some rest.”

Hindi ma-contact ng Reuters ang mga kinatawan ni West para magbigay ng komento tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng rapper o tungkol sa paglabas niya sa ospital.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Inihayag naman ng spokeswoman ng asawa ni West na si Kim Kardashian sa isang email na wala pang balita o update tungkol sa rapper at ipapadala niya ang mga katanungan sa kinatawan ni West.

Dinala ang Jesus Walks rapper, 39-anyos, sa Resnick Neuropsychiatric Hospital sa University of California, Los Angeles, noong nakaraang linggo makaraang rumesponde ang pulisya sa tawag na humihingi ng tulong, ulat ng ibang media outlet.

Ayon sa sources na malapit sa rapper, si West ay sobrang napagod mula sa “spiritual crisis.”

Sinundan ng pagkakaospital ni West ang sunud-sunod na public rant at pagkansela sa kanyang natitirang concert tour.

Naganap ito pagkaraan ng mga pagsubok at hectic na mga buwan para sa rapper at kanyang asawa na ninakawan at tinutukan ng baril sa Paris, na nagbunsod para suriin ng pamilya ang kanilang seguridad bilang public figures.

Ayon sa mga balita, katabi ni West si Kardashian habang nasa ospital ang rapper. Ang kanyang E! Network reality show na Keeping Up With the Kardashians ay “currently in production and has not been halted,” saad ng kinatawan ng network sa isang pahayag. (Reuters)