Lalarga ang Philippine Bowling Federation (PBF) National Championship sa Disyembre 3-11 sa Coronado Lanes, Starmall Edsa, Mandaluyong City.

Bukas ang torneo sa lahat na nagnanais na mahasa sa kanilang talento.

Tampok na event sa torneo ang men's Open, Ladies' Open, Men's Graded, Ladies' Graded, Men's associate, Ladies' Associate, Boys' 16 & under, Girls' 16 & under, Men's Senior and Ladies' Senior, na may kabuuang premyo na P700,000.

Kasalukuyang naghahanda ang host, sa pangangasiwa ni national coach at 6-time world Bowling Champion Paeng Nepomuceno.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nagsagawa ang PBF nang national try put para makapili ng players na isasabak sa National Training Pool.

Target din ng PBF na mapataas ang kalidad ng talento ng Filipino bowler.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay tournament director Archie Perez (0918-9291426) o E-mail sa [email protected]