Hindi maaaring alisin ng Office of the Ombudsman sa puwesto si Pangulong Duterte.

Ito ang iginiit ng Malacañang sa pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa naunang reklamong isinampa ni Senador Antonio Trillanes IV noong Mayo laban kay Duterte.

May kaugnayan ang reklamo sa umano’y pagtanggap ni Duterte, noong alkalde pa ng Davao City, ng nasa 11,000 contractual worker noong 2014 na ginastusan umano ng P408 milyon ng lokal na pamahalaan.

Giit ni Presidential Communications Martin Andanar, nananatili ang “immunity from suit” ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, bagamat maaaring mag-imbestiga ang Ombdusman, hindi naman nito maaaring patalsikin sa puwesto ang isang “sitting President”.

Bukod sa naturang reklamo, binanggit din ni Ombudsman Morales na hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad na maiimbestigahan din ang Pangulo sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa. (Beth Camia)