Napanatili ng Adamson ang malinis na karta nang gapiin ang De La Salle-Zobel, 78-53, nitong Sabado sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Muling namuno para sa Baby Falcons si Encho Serrano na nagposte ng 22 puntos tungo sa ikalimang dikit na panalo.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Baby Falcons para makumpleto ang sweep sa elimination round.

“We don’t want to relax. Our approach is to take one game at a time, “ pahayag ni coach Goldwyn Monteverde.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Dahil sa kabiguan, bumaba naman ang Junior Archers sa barahang 1-4.

Sa iba pang laro, naiposte ng Far Eastern University-Diliman ang ikatlong sunod na panalo matapos payukurin ang University of the Philippines Integrated School, 84-68.

Umiskor si Daniel Celzo ng 18 puntos at siyam na rebound para pangunahan ang Baby Tamaraws, umangat sa ikalawang puwesto hawak ang barahang 4-1 panalo, habang nalaglag ang UPIS sa 2-3 marka.

Iginupo naman ng reigning champion National University ang season host University of Santo Tomas, 73-64, na nagtabla sa kanila sa Junior Maroons sa ikalawang puwesto.

Dinomina naman ng Ateneo ang University of the East, 89-62 upang umangat sa barahang 2-3.

Sumalo naman sa ilalim ng standings ang Junior Warriors kasama ng Tiger Cubs at Junior Archers na may 1-4 karta. - Marivic Awitan