TAGUM CITY -- Kabuuang 24 na gintong medalya ang nakataya sa unang araw ng labanan sa swimming sa pagsisimula ng PNYG-Batang Pinoy sa Davao Del Norte Sports and Tourism Park.

Sisimulan naman ang elimination round sa archery na may nakatayang 48 ginto, 48 pilak at 48 tanso gayundin ang arnis (62-62-76), badminton (104-104-104), baseball (36-36-36), basketball 3-on-3 (8-8-8), at boxing (24-24-96),

Panauhing tagapagsalita sa opening ceremony si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos humingi nang paumanhin si 8-division world champion Senator Manny Pacquaio na hindi makadadalo sa programa.

Kasalukuyang nasa Japan si Pacquiao para pasinayahan ang bagong tayong boxing center sa Tokyo.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Nagkaroon ng problema sa iskedyul, kaya si House Speaker Pantaleon Alvarez, who represent Davo del Norte in the House of the Representatives is our keynote speaker,” pahayag ni Province of Davao Del Norte athletic director Giovanni Gulanes.

Nakahanda naman ang programa para sa sorpresang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na tumawag ang isa nitong opisyal mula sa Presidential Management Staff na maglaan nang kaukulang oras para sa posibleng pagdating ng dating mayor ng Davao City. (Angie Oredo)