Habang tinitipa ang artikulong ito ay kritikal ang lagay ng dalawang batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa riding-in-tandem na walang habas na nagpaputok sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.

Kapwa nakaratay sa Valenzuela City Medical Center ang mga bata na kapwa 10 taon gulang at taga-Barangay 68 ng nasabing lungsod.

Nagtamo ang mga paslit ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Ayon sa report, dakong 7:00 ng gabi nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka at walang habas na nagpaputok.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

Nagpulasan ang mga residente habang natamaan naman ang dalawang bata, na nakita na lang na duguang umiiyak.

(Orly L. Barcala)