Dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang 1,240 dayuhan na ilegal na nagtatrabaho sa isang mamahaling rest at recreation center sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sinusuri na ng ahensiya ang mga dokumento ng mga dayuhan batay sa mga ulat na pumasok sila sa bansa bilang mga turista, hanggang sa magtrabaho nang walang clearance mula sa Department of Labor and Employment (DoLE).

“Our immigration officers have started conducting verification of passports of the suspects,” ani Morente.

Sa ulat kay Morente, sinabi ng Fugitive Search Unit ng BI na katuwang sa nasabing operasyon ng ahensiya ang lokal na pulisya. (Mina Navarro)
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga