Mga Laro Ngayon

(Smart- Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Mahindra vs Globalport

7 n.g. -- Alaska vs NLEX

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hanggang saan na ang adjustment sa bagong sistema ng kanilang bagong coach na si Yeng Guiao ang aabangan ngayong gabi sa pagsalang ng NLEX kontra Alaska sa pagpapatuloy ng aksiyon sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ganap na 7:00 ng gabi ang salpukan ng Aces at ng Road Warriors pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng Mahindra at Globalport sa 4:15 ng hapon.

Nakatuon ang pansin ng mga eksperto kung paanong mapapasunod ni Guiao ang kanyang nadatnang Road Warriors sa pamumuno nina Mythical Team members Asi Taulava at Sean Anthony kasama ang mga beteranong sina Kevin Alas, Garvo Lanete, Jonas Villanueva at bagong recruits na si Carlo Lastimosa,Bradwyn Guinto at Glenn Khobuntin, gayundin si Gilas cadet Fonso Gotladera.

Inaasahan na muling mamumuno para sa tropa ni coach Alex Compton si Calvin Abueva katulong ang mga beteranong sina Sonny Thoss, Jayvee Casio, at Dondon Hontiveros.

Tulad ng mga kapwa Gilas cadet, aabangan din kung ano ang maiaambag ng kanilang recruit na si Carl Bryan Cruz sa kanyang debut sa Aces.

Samantala, naniniwala si Floodbusters coach Chris Gavina na malaki ang maitutulong ng kanyang mga bagong recruits upag mas umangat pa ang performance ng Mahindra.

“We’ve got some dynamic guys in our roster now and it adds great dimension on our team,” pahayag ni Gavina.

“It allows you to be adventurous in the lineup, so we can see more exciting lineups for Mahindra in the coming season.”

Tinutukoy niya sina Gilas cadet Russel Escoto at kapwa rookie na si Joseph Eriobu sampu ng mga bagong recruits na sina Josan Nimes, Alex Mallari at Ryan Arana.

Nakaabot sa semifinals ng nakaraang Philippine Cup, umaasa ang Batang Pier na magagawa nilang makipagsabayan sa mga itinuturing elite squad ng liga. (Marivic Awitan)