Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Pilipinas dahil sa posibilidad na maging bagyo ito.

Inihayag ng PAGASA na huling namataan ang LPA sa layong 730 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, apektado ng nasabing LPA ang Visayas, Mindanao at Bicol Region.

Makararanas naman ng isolated rain shower o thunderstorms ang bahagi ng Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Sinabi pa ng ahensya na anumang oras mula ngayon ay maaaring maging ganap na bagyo ang naturang LPA.

Binanggit pa ng PAGASA na kapag tuluyang naging bagyo, ang naturang LPA ay tatawaging ‘Marce’. (Rommel P. Tabbad)