ARGAO, Cebu – Sa kabila ng masigasig na kampanya ng pamahalaang panglalawigan laban sa dengue, patuloy sa pagdami ang dinadapuan nito sa probinsiya.
Sa datos ng Cebu Provincial Health Office (PHO), ipinakitang umabot na sa 8,969 ang mga kaso ng dengue sa lalawigan simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, nadagdagan ng 2,521 mula sa 6,448 na naitala noong nakaraang buwan.
Oktubre 17 nang ideklara ang state of calamity sa Cebu dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng dengue. (Mars W. Mosqueda, Jr.)