Panlima ang Pilipinas sa listahan ng top gold producers sa Asia, bilang isa sa anim na bansang gumagawa ng 91 porsiyentong ginto sa kontinente. Nangunang gold-producing nation ang China.
Ayon sa GFMS Gold Survey 2016, nakagawa ang China ng 458.1 metric tons (MT) ng ginto noong 2015. Sinusundan ito ng Indonesia na nagprodukto ng 134.3 MT, Uzbekistan na mayroong 83.2 MT at Kazakhstan na mayroong 47.5 MT. Nasa ikalimang pwesto, ang Pilipinas na nakagawa ng 46.8 MT ng ginto, at pang-anim ang Mongolia sa nagprodukto ng 31.3 MT.
Bagaman itinuturing na world’s biggest buyer ng ginto, nasa 0.5% lamang ang naiaambag ng India sa gold production ng mundo. (Beth Camia)