Sinamantala ng University of Santo Tomas ang homecourt advantage para magapi ang katunggali sa girls at boys division stepladder semifinals at maitakda ang pagsagupa sa National University sa finals ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa UST Quadricentennial Pavilion Arena nitong Huwebes.

Bumawi ang Junior Tigresses sa natamong third set loss upang padapain ang De La Salle-Zobel, 25-19, 25-22, 24-26, 25-18, sa girls stepladder habang winalis naman ng Tiger Cubs ang nakatapat na University of the East, 25-17, 25-15, 25-20, sa boys' Final Four.

Tatangkain ng UST na biguin ang hangad ng NU na ikalawang sunod na championship double sa kanilang finals showdown sa susunod na linggo.

Umatake si Eya Laure sa fourth frame upang pamunuan ang Junior Tigresses sa panalo sa larong sinaksihan ng malaking bilang ng mga Thomasians kabilang ang mga dating manlalaro ng karibal na eskwelahan tulad nina Alyssa Valdez at EJ Laure. (Marivic Awitan)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!