PARA sa mga hindi nakabasa, ang aming pamilya ay tulad din sa ilang pamilyang Pilipino na nakaranas sa ‘di malilimutang kaganapan noong panahon ng martial law.

Nawala ang bunso naming kapatid, ang aming radio station, DYRE sa Cebu City, ay pinasarado sa pamamagitan ng Presidential Commitment Order, at maraming pagkakataon na naglahong parang bula ang serbisyo-publiko na dapat sana’y mayabong na pangako.

Noong nagpasa ng batas ang Kongreso upang ang mga naging “biktima” ng martial law ay maambagan ng danyos-perhuwisyo mula sa mga benta ng Presidential Commission on Good Government, hindi na kami sumali tulad ng karamihan na nagpalista.

Sa aming sariling pananaw, ang prinsipyo ay walang kapalit at ang paninindigan ay hindi sinusuklian ng salapi.

Ka-Faith Talks

#KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba?

Maitanong ko lang, magkano ba ang naipamudmod sa mga nagreklamo? Sapat na katumbas ba ang salapi sa nawalang kamag-anak o sa ninakaw na alaala? Kung tinanggap na ninyo ang kabayaran, aba’y bakit pa mag-iingay, magmamartsa at magpoprotesta?!

Aminin na rin natin, may dalawang uri ng maka-bayang nagpupumiglas noong panahon ng martial law. Ang mga taong kumikilos paalisin ang diktadura upang ibalik ang demokrasya, habang may hanay naman na bumabatay sa ideolohiya, kontra-pelo sa martial law dahil ipinipilit nila magtatag ng mas malagim na uri na diktadura – ang Komunistang Rehimen.

Kaya nakakatawa ang mga pangyayari. Kung sino pa yung mga lumabag sa batas at sa panuntunan ng demokrasya, sabay nagtatag ng armadong pakikibaka, ay siyang maiingay na humingi ng kuwarta kapalit ng kanilang hinagpis. Sa aming pamilya – ginagalang namin ang desisyon ng Korte Suprema na ilibing si Ferdinand Marcos sa Libingan ng Bayani (LNMB) bilang sundalo ng bayan. Mapag-imbabaw ang hanay ng “kaliwa” na unang dumulog sa Kataas-taasang Hukom, at dahil hindi nagustuhan ang resulta, ay dating gawi – sa korte ng lansangan at kaguluhan ililitis.

Mamulat na kayo – at baka bukas, si Bong-Bong Marcos na ang Bise Presidente dahil iyan ang din ang pinaniniwalaan ng sambayanan. Move on na! Hindi ninyo kaya si Digong! (Erik Espina)