CEBU CITY – Hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 7 ang mga lokal na pamahalaan sa Cebu at sa iba pang lugar sa Central Visayas na magpasa ng mga ordinansa na magbabawal sa paggamit ng karne ng pating sa mga restaurant at iba pang kainan.

Ayon kay BFAR-7 Fisheries Regulatory and Law Enforcement Division Head Elvie Flores, tanging ang panghuhuli ng mga whale shark at manta ray ang ipinagbabawal sa batas, at hindi ang paggamit ng karne ng pating sa mga kainan.

Ito ang inihayag ni Flores sa pagtitipun-tipon kahapon ng mga shark conservation group para sa “Festive Shark Parade” sa Cebu City. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito