Hindi isinasantabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang posibilidad na ang National Bureau of Immigration (NBI) na lang ang magbabantay kay Kerwin Espinosa.

Katwiran ni Aguirre, ito ay dahil sa eskandalong nilikha ng operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group-Region 8 na humantong sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa Sr. noong Nobyembre 5.

Sinabi pa ng kalihim na sumulat na siya kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald dela Rosa at ipinaalam na handa ang NBI na tumulong sa pagbabantay kay Kerwin.

Ngunit sinabi ni Aguirre na pagdating ni Kerwin sa bansa, maaaring idiretso muna siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kamakalawa nang ihayag ni Dela Rosa na ang PNP ang mangangasiwa sa seguridad ni Kerwin at kung posible ay sila na rin ang magbibigay ng proteksyon pati sa mga kaanak nito. (Beth Camia)