Babalik na sa bansa ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa sa Huwebes, matapos itong masakote sa Abu Dhabi, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald dela Rosa.

“Barring all hitches, maybe they will be here on Thursday,” ani Dela Rosa, kasabay ng pagsiguro na bibigyan ng mahigpit na seguridad si Kerwin, anak ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Si Kerwin ay susunduin sa Abu Dhabi ng isang team ng police officers, sa pangunguna ni Senior Supt. Albert Ignatius Ferro.

Ang kaligtasan ni Kerwin ay prayoridad ng PNP matapos mapatay ang ama nito sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City, ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang insidente ay iniimbestigahan ng Senado, kung saan mismong si Senator Panfilo Lacson ang nagsasabing murder ang insidente.

“We will not bring him (Kerwin) to the issuing court in Leyte, he will be detained in Camp Crame and we will be asking the court for it,” ayon kay Dela Rosa. (Aaron Recuenco at Fer Taboy)