kris-lang2_please-crop-copy

NAG-TRENDING si Kris Aquino dahil sa hindi pagsipot ni President Rody Duterte sa dapat ay magaganap na one-on-one Townhall Interview With The President sa National Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) Summit 2016 ng GoNegosyo sa Davao.

Sari-sari ang comments ng netizens, pero natuloy ang pagho-host ni Kris sa event. Muli, ipinakita ni Kris kung gaano siya kahusay bilang host.

Sa Instagram, ipinost ni Kris ang saloobin sa tinawag na “Presidential Snub” at inamin na, “Humble & realistic enough to admit it was an epic snub -- but learning so much from @beyonce. (P.S. To all of you: my family, friends, and compassionate netizens -- group hug tayo? Thank you for showing me love & appreciation.)”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa iba niyang post, ginamit ni Kris ang quote ni K Brosas na aniya ay perfect quote at ito’y ang #GandangDiNapakinabangan.”

May message rin si Kris kay Pres. Duterte na sana’y dumating ang araw na matuloy pa rin ang kanilang paghaharap for an interview.

“Pres. Duterte, darating ang araw na mamahalin mo rin ako,” sabi pa ni Kris na ikinaaliw ng mga dumalo sa okasyon.

Nasa likod ni Kris ang netizens at may mga nagpayo sa kanyang kalimutan ang nangyari, move on, dahil at least, ipinakita niyang magaling pa rin siyang host kahit eight months nang hindi niya ito ginagawa.

May nagpaalala rin kay Kris na she is in good company dahil in-snub din ni Pres. Rody si US Pres. Barack Obama. Nasa liga na raw siya ni Obama. (NITZ MIRALLES)