BATANGAS CITY - Isa na lang ang tinutugis ng mga awtoridad mula sa 12 pumuga sa piitan sa Malvar matapos na maaresto sa Batangas City ang isa pa sa kanila nitong Lunes.
Naaresto sa panulukan ng D. Silang at Evangelista Streets sa Barangay 22 si Diego Barolla, may kinalaman sa droga ang kaso, dakong 4:00 ng hapon.
Pinaghahanap pa rin si Jerald Rivo na akusado rin sa droga. (Lyka Manalo)