Ang de-kalibreng mananabong na si Dorie Du (Davao) na kumakatawan sa sikat na Davao Matina Gallera sa Davao City ang bumida sa Circuit One ng 2016 UFCC Stagwars matapos umiskor ng limang panalo at isang talo sa nakaraang 8th Leg 6-Stag Derby na ginanap sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City.

Nakisalo kay Dorie Du sa karangalan ang kampeon ng 8th leg na sina Gov. Eddiebong Plaza (Boom); Tata Rey RTF (Rey Briones & Mayor Flores) at Cong. Peter Unabia & Femie Medina (JM Fafafa Sr. Pedro Knights).

Ang 9th leg One-Day 6-Stag Derby ay papagitna bukas, Nobyembre 5 sa Ynares Sports Arena tampok ang hindi kukulangin sa 100 sultada na inaasahan magbibigay ng kasiyahan sa mga manoood.

Ang Ynares Sports Arena rin ang pagdadausan ng UFCC action sa Nob. 12 at 15, samantalang, sa pagitan nito sa Nob. 10 ay sa Biñan Coliseum naman ni Gerry Teves ito gaganapin.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng pinakahihintay na 2017 World Pitmasters Cup sa Enero 15-21 sa Resorts World – Manila na may garantisadong premyo na P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P33,000.

Magkakatuwang sa derby na ito sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza and RJ Mea.