DAVAO CITY – Inihayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na tatalakayin niya kay Malaysian Prime Minister Najib Razak ang posibilidad ng joint military at police operations upang matugunan ang pamimirata at malabanan ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanyang state visit sa susunod na linggo.

Sinabi ni Duterte sa mamamahayag nitong Martes ng gabi na tatalakayin nila sa mga lider ng Malaysia ang border crossing measures upang masawata ang mga teroristang dumaraan sa Strait of Malacca.

“We have a lot to talk about piracy in Malacca Strait, kidnapping, criminality. It’s very important that Malaysia, Indonesia and Philippines talk about these. Once and for all, come up with solution. We share the same coastline,” aniya.

Idinagdag niya na pinaralisa ng banta sa seguridad roon ang kalakalan at komersyo, at mahalaga na maging ligtas ang “arterial channel” at mawala ang “troublesome guys.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa sa Pangulo, nakababahala ang presensiya ng mga terorista sa Sulu, ang balwarte ng ASG, na magiging malaking banta sa kasalukuyang henerasyon kapag hindi kaagad nasupil.

Nang tanungin kung sa palagay niya ay may iba pang mga terorista sa mga karatig na dagat sa Sulu, sinabi ni Duterte na “I think so, that’s the next problem. I said it is coming around and I would like to warn the country that we have this looming problem ahead but I do not want to cause unnecessary alarm but it is gonna be one of the biggest challenges that this generation will face.”

Sinabi niya na nakakahiya ang bumabagsak na peace and order sa Sulu, lalo na ang pagkakaroon ng kuta ng mga terorista sa lugar.

Matapos bumisita sa Malaysia, tutungo si Duterte sa Thailand upang magbibigay-pugay sa namayapang si king Bhumibol Adulyadej.

“It’s very important that we show our solidarity,” aniya. (ANTONIO L. COLINA IV)