Pag-iinitin ni Emerson Obiena ang kampanya ng lima kataong Team Pilipinas sa pagsabak sa prestihiyosong 22nd World Masters Athletics Championships na nagsimula Oktubre 30 at sisikad hanggang sa Nobyembre 6 sa Perth, Australia.

Kaagad na magpapasiklab si Obiena, kabilang sa national coaching staff at ama ni Philippine pole vault record holder Ernest John Obiena, ngayong umaga sa pagnanais nitong malampasan ang naiuwing tansong medalya sa nakalipas na edisyon ng world championship na ginanap sa France.

Sasabak din para sa Pilipinas si dating world champion Erlinda Lavandia sa women’s javelin throw. Asam ni Lavandia na maiuwi muli ang korona na huling nasungkit noong 2013 edisyon sa Porto Alegre, Brazil.

Lalahok naman si national team coach Danilo Fresnido sa men’s javelin throw M40 category. Asam ni Fresnido na malampasan ang kanyang ikalawang puwestong pagtatapos noong 2015 edisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sasagupa din ang three-time Olympian at ang four-time Southeast Asian Games gold medalist at women’s long jump record holder Marestella Torres-Sunang at marathoner Lorna Vejano.

Masasaksihan si Torres-Sunang sa women’s long jump sa Nobyembre 5 habang lalarga si Vejano sa women’s marathon sa Nobyembre 6. (Angie Oredo)