CEBU CITY – Nasa 142 pamilya o 342 indibiduwal ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa hilera ng barung-barong sa Cebu City kahapon ng madaling araw.
Animnapung bahay ang nilamon ng apoy na nagmula sa nahulog na gasera sa Barangay Suba, dakong 4:20 ng umaga, na naapula makalipas ang isang oras, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay SFO1 Edwin Handayan, nagmula ang sunog sa isang gaserang natabig sa loob ng bahay ni Edwin Bacalso.
Nagpulong kahapon ang mga opisyal ng Bgy. Suba upang magdeklara ng state of calamity sa mga apektadong sitio.
Sa pamamagitan ng nasabing deklarasyon, magagamit ng barangay ang calamity fund ito upang maayudahan ang mga nasunugan. (Mars W. Mosqueda, Jr.)