NUEVA ECIJA - Matapos manalasa ang bagyong ‘Lawin’, apat na bangkay ang natagpuan at iniahon sa ilog ng mga awtoridad makaraang maglutangan sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Nabatid ng Balita mula sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, isang fetus na nasa pito hanggang walong buwan ang natagpuan dakong 11:00 ng umaga nitong Huwebes sa isang creek sa Purok 7, Barangay Bagong Sicat at dinala sa RBN Funeral Homes.

Sa Pampanga River sa Bgy. Alua, San Isidro naman natagpuan ang bangkay ni Cindy Gamboa, 26, dalaga, ng Gapan City na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip at iniulat na umalis ng bahay noong umaga ng Oktubre 18.

Isang naaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan ding nakalutang sa ilog sa Cabiao, Nueva Ecija. May taas itong limang talampakan, nakasuot ng itim na jersey na may marking na “Defender” sa harap at “Rigor 19” sa likod.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi naman matukoy ang kasarian ng ikaapat na bangkay dahil sa naaagnas na rin ito at pinaniniwalaang ilang araw nang palutang-lutang sa Pantabangan Dam sa Bgy. Liberty. (Light A. Nolasco)