Pinatibay ng Philippine Basketball Association (PBA) at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang ugnayan para masiguro ang pagbuo ng matibay na Gilas Pilipinas sa international tournament.

Ipinahayag ni SBP president Al Panlilio sa media conference Miyerkules ng gabi ang paglahok ng Gilas cadet – binubuo nang pinakamahuhusay na collegiate at amateur player sa bansa – sa gaganaping special PBA drafting sa Oktubre 30.

Kabilang sa Gilas cadet na lalahok sa rookie drafting sina Mac Belo, Carl Bryan Cruz, Ed Daquioag, Russel Escoto, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Von Pessumal, Roger Pogoy, Mike Tolomia, Arnold Van Opstal, at Matthew Wright.

Isinama rin ng SBP si Fonso Gotladera bilang kapalit ni Almond Vosotros, na isa nang ganap na pro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is a landmark happening, agreement between SBP and PBA,” pahayag ni Panlilio. “It’s a very collaborative agreement.”

Malalaman ang listahan ng koponan sa special drafting batay sa team standings sa pagtatapos ng Season 41.

Ipinahayag naman ng PBA ang kahandaan na magpahiram ng isang player mula sa bawat koponan para palakasin ang National Team Gilas Pilipinas.

“At any given time, the max number of players a team can lose is two: one Gilas player and one regular player,” sambit ni PBA commissioner Chito Narvasa.

Napagkasunduan din na hindi puwedeng i-trade ang Gilas player sa loobg ng dalawang taon at handang pakawalan ng PBA teams para sa training dalawang buwan bago ang lalahukang international tournament.

Papayagan naman ang mga regular PBA player na mapipili ni Gilas coach Chot Reyes 15 araw bago ang kompetisyon.

“Like Chot said, you have to commit to be drafted to start with and the play for your mother team, then the scheduling just follows after that,” pahayag ni Panlilio.