uaap-copy

Naipagpag ng Ateneo Blue Eagles ang kalawang dulot nang mahabang pamamahinga sa maagang pagkakataon para makabangon sa double digit na paghahabol tungo sa 75-61 panalo kontra University of the East kahapon sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Natambakan ang Blue Eagles sa 14 puntos sa unang period, bago nakabalik sa wisyo sa tamang pagkakataon at maisalba ang laban para makopo ang solong kapit sa ikatlong puwesto tungo sa labanan sa Final Four.

Huling naglaro ang Blue Eagles noong Oktubre 11 dahilan para sa wala sa pormang kilos dahilan para maiwan sa 9-23 sa unang period.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Whenever we play UE, it’s really a tough game. Good thing that a couple of our bench guys stepped up and helped us out on both ends,” pahayag ni assistant coach Sandy Arespacochaga.

Sa pangunguna nina Thirdy Ravena at Jolo Mendoza, nakabawi ang Katipunan-based cager sa naibabang 33-12 run sa second half para agawin ang bentahe sa 42-35.

Nanguna si Mendoza sa naiskor na 15 puntos, tampok ang magkasunod na three-pointer sa scoring run ng Blue Eagles.

“Jolo is not a player who gets a lot minutes, but he was ready to play and gave us a big boost,” sambit ni Arespacochaga.

Hindi na nagawang makadikit ng Warriors mula sa matibay na depensa ng Eagles kung saan nalimithan nila ang karibal sa walong field goal sa huling yugto ng laro.

“All of our players are hardworking. Hopefully, we see more signs of maturity,” aniya.

Kumubra si Ravena ng 14 puntos para sandigan ang Ateneo sa pagtuldok sa two-gme losing skid para sa 5-4 karta.

Nanguna si Philip Manalang sa Red Warriors na may 16 puntos.

Iskor:

Ateneo (75) – Mendoza 15, Ravena 14, Wong 11, Nieto Mi 10, Go 8, Asistio 4, Tolentino 4, Black 4, Verano 4, Ikeh 1, Babilonia 0, Nieto Ma 0, Porter 0

UE (61) – Manalang 16, De Leon 13, Varilla 7, Pasaol 7, Batiller 5, Olayon 4, Bartolome 4, Palma 3, Derige 2, Penuela 0, Gagate 0, Charcos 0, Abanto 0, Larupay 0

Quarterscores:

16-23, 42-37, 60-48, 75-61