VICTORIA, Tarlac - Natangayan ng P60,000 cash ang isang negosyante matapos siyang biktimahin ng isang hindi nakilalang miyembro ng Budol-Budol gang sa Barangay San Agustin sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Ayon kay PO3 Sonny Abalos, nasa palay buying station si David Antalan, Jr., 44, may asawa, nang lapitan siya ng isang hindi nakilalang babae at kinumbinse siyang bilhin ang 127 sako ng palay nito sa P17.50 kada kilo at nagkasundo sila sa presyo.

Humingi ng paunang bayad na P60,000 ang suspek at ipina-pick up ni Antalan ang palay sa Bgy. Bulo sa driver niyang si Wilson Ramos, 35, ng Bgy. San Agustin.

Gayunman, habang patungo sa lugar ay sinabihan ng suspek si Ramos na ihinto ang sasakyan sa munisipyo dahil may babayaran siya at pinadiretso ang driver sa bahay niya, ngunit hindi natunton ang bahay na sinabi ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder