CABANATUAN CITY - Hiniling kahapon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Nueva Ecija sa Sangguniang Panglalawigan na magdeklara ng state of calamity dahil sa lawak ng naging pinsala sa lalawigan ng bagyong ‘Karen’.
Sa assessment meeting ng PDRRMC, natuklasan sa inisyal na ulat na umabot sa 1,369 na ektaryang taniman ang nasira at sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P87,773,000.
Sinabi naman ni PDRRMC Spokesperson Dr. Abraham Pascua na humihingi ng ayuda ngayon ang ilang magsasaka sa San Jose City at Bongabon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
Hanggang kahapon, nasa 300 pamilya pa ang nasa Nueva Ecija High School evacuation center sa Cabanatuan City, bukod pa nakatuloy sa mga evacuation center sa Licab, Quezon at Cuyapo. (Light A. Nolasco)