Duguang bumulagta ang magkapatid na umano’y gumagamit ng ilegal na droga matapos manlaban at pagbabarilin ng mga pulis sa drug operation sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot sina Jessie, 28 at Jojie Arceo, 25, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasama.

Ayon kay Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, isang concerned citizen ang kumuha ng video at kitang-kitang gumagamit ng shabu ang tatlong suspek sa isang bahay sa Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Dinala ng scooper sa North Caloocan Police Station at ipinakita ito sa mga pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dakong 11:00 ng gabi, ikinasa ng mga awtoridad ang drug operation at pinuntahan ang nasabing bahay.

Makalipas ang ilang minuto, sunud-sunod na putok ng baril ang narinig at kapwa wala nang buhay ang mag-utol na Arceo.

Ayon sa mga pulis, pinagbabaril sila ng mga suspek kaya napilitan silang pagbabarilin ang magkapatid hanggang sa mapatay.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek na pinaniniwalaang may-ari ng bahay na ginagawang drug den. (Orly L. Barcala)