CARDIFF, Wales (AP) — Sinuspinde ng British boxing body ang lisensiya ni Tyson Fury, isang araw matapos nitong bakantehin ang WBA at WBO heavyweight title para sumailalim sa drug rehabilitation.
Ayon sa British Boxing Board of Control, binabawi nila ang lisensiya ni Fury hangga’t hindi natatapos ang isinasagawang imbestigasyon sa kanyang naging pagamin sa paggamit ng cocaine.
Huling lumaban si Fury noong Nobyembre 2015 nang agawan ng titulo si Wladimir Klitschko.
“I enter another big challenge in my life which I know, like against Klitschko, I will conquer,” pahayag ni Fury.