Nagsalo sa kampeonato sina Gerry Teves (Gerry Boy), Engr. Celso Salazar (Prince William) at Arman Santos (Jade Red) sa 5th leg ng 2016 UFCC Stagwars sa nakalipas na weekend.

Sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Las Pinas Coliseum bukas, nakatuon ang pansin sa tatlong beteranong breeder sa pagarangkada ng ikaanim na yugto ng One-Day 6-Stag Derby bukas .

Nagpakitang gilas din sa iskor na tig-4 na puntos ang mga lahok nina Eddie Boy & Fiscal Villanueva (Fiscalizer); Mel Lim/Nelson Uy (Full Force); Ricky Magtuto/Willard Ty (Ahluck Camsur); Femmie Medina/Cong. Peter Unabia (JM Fafafa-Sr. Pedro Knights); Gerry Ramos (AAO Hitcock) at Alex Ty (ATY Duhatan).

Ang 2016 UFCC Stagwars, na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP , Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino, ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang mga tinaguriang mga idolo ng sabong sa masang-sabungero.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang LPC sa Zapote, Las Piñas City na may bagong parking building at magiging lugar ng labanan para sa lahat ng one-day 6-stag derbies sa Oktubre 1, 8, 15 at 22.

Gagawin naman ang unang out-of-town na labanan ng UFCC sa San Pablo City, partikular sa Lucky Sports Complex sa Oktubre 29.

Sa Nobyembre, lilipat ang giyera sa Ynares Sports Center sa Nob. 5, 12 & 15, samantalang isisingit naman sa Nob. 10 ang laban sa Biñan Coliseum sa Laguna.

Ang La Loma Cockpit na pinakalumang aktibong sabungan sa Pilipinas magmula pa noong 1901 ang magbibigay-pugay sa mga kasapi ng UFCC sa isang 6-stag derby na nakatakda sa Nob. 16. Magbabalik ang aksiyon sa Ynares sa Nob. 24 at 26.

Ang huling 6-stag ay sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nob. 29, samantalang magtatapos ang 2016 UFCC Stagwars sa nag-iisang 7-stag derby na gagawin sa Ynares Sports Center sa ika-3 ng Disyembre.