Habang idinidiin siya ni Sebastian sa Kamara, lumuhod naman sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines chapel sa Intramuros, Manila, si Senator Leila de Lima para sa inoobserbahang World Day Against Death Penalty.
“Whenever I pray I ask : Lord, do I deserve all this?” ayon kay De Lima sa kanyang talumpati.
Ipinagluluksa umano ni De Lima ang mga nangyayari sa bansa, kasama na ang imbestigasyon sa Kamara.
“I prepared myself already for the worst. I already said goodbye to my family. I will continue to fight this evil up to my last breath and I ask you to join me in this fight,” ayon kay De Lima.
Sinabi ng Senadora na nagsisinungaling si Sebastian sa Kamara, at malamang ay hindi na niya kaya ang pressure kaya siya nagsasalita.
P15-B sa bangko
Sampung bank accounts naman na naglalaman ng P15 bilyon ang pinaglalagyan ng pera ng drug lords.
Ito naman ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kung saan hiniling na umano niya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na bigyan siya ng dokumento ng mga nasabing bank accounts, ang iba ay pag-aari ng indibidwal at ang iba naman ay corporate accounts.
“May 10 different accounts, may individuals, corporations iba-iba. Marami talagang huhukayin, marami talagang lead,” pahayag ni Aguirre.
“Itong mga corporate account ba ‘yan, siyempre isa-isahin ko ‘yan, hindi ganun kadali,” dagdag pa nito. Sa tatlong hindi binanggit na bangko nahalukay ang 10 bank accounts.