STRASBOURG, France (AFP) – Nagpahayag ng pagkabahala ang Council of Europe nitong Martes sa paglaganap ng ‘anti-foreigner’ feeling sa Britain nitong mga nakalipas na taon bunsod ng Brexit referendum.

Partikular na binanggit ng Strasbourg-based Council, isang human rights at democracy watchdog body na hiwalay sa EU, ang mga tabloid na gumagatong sa hate-speech at ang pagtaas ng karahasan laban sa mga Muslim.

Sa isang ulat, kinondena ng European Commission against Racism and Intolerance (ECRI) ng Council ang ‘’considerable intolerant political discourse” ng UK sa immigration.

‘’The Brexit referendum seems to have led to a further rise in ‘anti-foreigner’ sentiment, making it even more important that the British authorities take the steps outlined in our report as a matter of priority,’’ sabi ni ECRI Chair Christian Ahlund.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina