Limang Filipino pilgrims na nagpunta sa Mecca, Saudi Arabia para sa taunang Hajj Pilgrimage noong nakaraang buwan, ang binawian ng buhay doon.

Sa ulat ni Consul General Imelda Panolong, binawian ng buhay ang apat na lalaki at isang babae, dahil sa katandaan.

Isa naman sa kanila ang namatay dahil sa A(H1N1) o influenza virus habang nakaratay sa ICU ng ospital sa Mecca.

Naniniwala naman si National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) medical team head Dr. Abdulnasser Masorong, na nakuha ng nasawing pasyente ang virus sa loob na mismo ng ospital, ayon sa ulat ng GMA news.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang limang pilgrims ay kabilang sa 7,000 Pinoy na nakilahok sa Hajj pilgrimage ngayong taon.