BAMAKO (AFP) – Isang UN peacekeeper ang nasawi at walong iba pa ang nasugatan nitong Lunes sa pag-atake sa kanilang kampo sa hilangang silangan ng Mali, malapit sa Algerian border, ayon sa United Nations.
Kinondena ni UN Secretary-General Ban Ki-moon ang apat na magkakaugnay na pag-atake sa UN mission, kilala bilang MINUSMA, sa rehiyon ng Kidal.
Matapos paulanan ng mortar ang Aguelhok camp, rumesponde ang dalawang sasakyan ng militar ngunit tinamaan ng pampasabog na ikinamatay ng isang peacekeeper mula Chad.