Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

1 n.h. -- San Beda vs. Arellano (jrs.)

3:45 n.h. -- San Beda vs Perpetual (srs.)

Babawi kami.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ito ang ipinangako ni San Beda College coach Mike Jarin habang lalo namang pag-iibayuhin ng University of Perpetual ang kanilang opensa sa pagtutuos nilang muli ngayong hapon sa ‘do-or-die’ para sa huling Finals slot ng men's division ng NCAA Season 92 basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Naitakda ang knockout game ganap na 3:45 ng hapon.

Naipuwersa ng Altas ang ‘sudden death’ nang gapiin ang Red Lions, 87-83, nitong Biyernes. Tangan ng top seed San Beda ang ‘twice-to-beat’ na bentahe sa semifinal series.

"We will go all out next game," pahayag ni Jarin.

"We'll be coming in with all guns blazing," aniya.

Sakaling mabigo, malalagay sa kasaysayan ang Red Lions bilang No.1 team na nasibak sa serye.

Sa panig ng Altas, nagwagi sa unang pagkakataon sa nakalipas na apat na Final Four match-up sa Lions, hindi na nila bibitiwan ang pagkakataon na makumpleto ang matikas na pagbangon.

"We have to prepare harder for Game 2.Nanalo kami dahil sa depensa, itutuloy lang namin ‘yun at palakasin pa ang opensa," pahayag ni Altas coach Jimwell Gican.

Target ng Altas na makausad sa finals sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1989.

Mauuna rito, babawi rin ang reigning juniors champion San Beda Red Cubs sa 4th seed Arellano University Braves upang makausad ng finals sa ikawalong sunod na taon.

Nakapuwersa rin ang Braves ng do-or-die game matapos talunin ang topseed at twice-to-beat Red Cubs noong Biyernes, 89-85. - Marivic Awitan